Ayoko kumuha ng Insurance/VUL. Forced savings yan eh. Sapilitang pag iipon..Mapipilitan...mapipilitan ako..
1. Mapipilitan akong mag budget at pagkasyahin ang budget..Wala sa budget mag Jollibee ngayong Linggo. Mapipilitan akong bumili ng chicken sa palengke at gayahin ang recipe ng Jollibee...
2. Mapipilitan akong maging honest. Yeah, 10 years na ako dito sa trabaho ko. 10 years pero wala akong ipon..Hindi ko talaga alam..Hindi ako aware na nagtatrabaho ako para sa credit card...Masarap mag swipe teh, 0% interest!
3. Kapag kumuha ako niyan, mapipilitan akong kalimutan ang friends kong pasosyal. Magbabaon ako every payday. E ano kung lunch out sila? Ako naman pipila sa bangko para magdeposit...Isang oras lang silang masisiyahan.,Ako habangbuhay..😊
4. Mapipilitan akong lampasan ang SM every payday. E ano kung 70% off? Mas matalino ako kay Henry Sy..bago pa niya makuha pinag hirapan ko, na i top up ko na sa VUL ko..
5. Mapipilitan akong maglagay ng Critical illness benefit..iyon bang kapag nagkasakit ako e hindi ako pabigat? Hindi ibebenta ang kalabaw, hindi isasangla ang bahay...Pero teka..madami akong kamag anak sa abroad na magpapautang sa akin, isa isahin ko na lang kaya sila? .Im sure maaawa sila sa akin kapag nag ca cancer ako..E ano kung pabigat ako sa kanila..Kasalanan ko ba kung mag kasakit ako?
6. Mapipilitan akong tanggapin na hindi ako super sayan..Na maari akong maaksidente paglabas ng bahay. Kapag naaksidente ako, mahohospital ako.. Uutang na lang ako sa ate ko, palagi namang may pera iyon..E ano kung mababawasan iyong pang educ plan ng anak niya? Ate ko siya! Hello!
7. Mapipilitan akong mag retire ng mayaman..Grabe..Hirap nun! Baka hindi ko kayanin gastahin lahat ng milyones ko.
8. Mapipilitan akong tigilan ang pag gy-gym kuno. Sayang lang membership ko. Kumakain naman ako after..
9. Mapipilitan akong tanggapin na mas mahalaga ang insurance ng buhay ko kaysa kotse ko..Pero pre! Pumapalakpak tenga ko kapag sasabihin mong astig ang mags ko..
10. Mapipilitan akong masaktan. Biruin mo, tatanggihan kong pautangin ka friend. Kasi naka budget na ang pera ko...
Tulungan mo ako please. Tulungan mo akong huwag ipasa itong application ko.
Ayoko...ayoko kumuha ng VUL.
Sige na nga, mai submit na nga ito..
Credit: Neh Crucillo