Showing posts with label Filipino Domestic Helper. Show all posts
Showing posts with label Filipino Domestic Helper. Show all posts

Saturday, December 24, 2011

Essence of Christmas

For the past two weeks, I have been utterly busy preparing for the presentation to represent our unit - Salmiya. Although we only had 3 days to do everything from brainstorming for a good concept, creating dance steps and getting people to participate with us -- everything facilely fit into place as the event draws near.Link
The event was jam packed with creative juices, showcasing different talents from acting, singing and dancing. Our performance turned out a success with a spice of comedic act when we did our version of the Grinch's story but what amazed me most was seeing the release of SFC Kuwait's station ID were I, luckily, became part of. (NOTE: Since Blogger can't seem to upload the video, I'm putting the link here: Christmas Is About Love Video)

Then, after only a few days when I thought it's high time for a vacation from the community, came another colorful event that I thought I definitely wouldn't miss for the world, even though I'm currently attacked by the flu monster -- the Pasko sa Embassy 2011 organized by SFC Kuwait's Social Ministry aims to share the spirit of giving to the hundreds (250+ to say the least) of female distressed OFWs staying in the Philippine Embassy to feel that they're not forgotten. The basement of POLO office were filled with different faces of Pinays who have different stories to tell. But for a short while, when the affair began, all you could see were happy faces filled with glee and laughter that would remind you that Christmas is really here.

Although it's unfortunately sad to think that this would be the very first Christmas that I'm away from my family and friends back home, I somehow came to realize that what's more important is not the presence nor the material things but how we understand the true meaning of Christmas through the celebration of the spirit of love, joy and sharing.

Sunday, October 23, 2011

Sa Embahada ng Pilipinas

Walang kamatayan ang kwento ng mga Pilipinong hirap sa bansang ito ngunit iba pala kapag ikaw na mismo ang nakakakita at nakakarinig. Una ko itong napagtanto noong umapak ako sa loob ng Embahada ng Pilipinas. Doon habang ako ay pumipila para sa papeles na aking pinaayos, may babaeng lumapit sa akin at humingi ng pansulat. Walang kagatol kong iniabot ang bolpen sa kanya. Akala ko dun na nagtatapos ang aming enkwentro dahil mas nahabag ako nung tinawag niya uli ang aking pansin. May halong pagmamakaawa na siya ay aking tulungan sa isang bagay na wari ko ay siya'y may kaalaman. Doon ko napagtanto na hindi siya marunong magbasa at magsulat! Nagulat ako dahil paano nga naman siya nakarating sa bansang ito kung hindi niya alam isulat ang kanyang pangalan. Sa aming kwentuhan, nalaman ko na siya ay mas bata sa akin ng apat na taon (ako ay bente singko na), panganay sa walong magkakapatid, isa siyang Muslim at galing sa isang liblib na lugar ng South Cotabato. Marunong siyang mag-ingles at may kaunting pamilyaridad sa salitang Arabo, ngunit napagtanto ko na hanggang salita lamang ang kanyang nalalaman. Masaklap din malaman na hindi pala siya nakapagtapos ng Elementarya. Mas lalo akong nahabag noong siya ay tinawag na ng kanyang among lalaki, wari'y minamadali ang kanyang kilos, nagtaas ng boses sa salitang hindi pa masyado pamilyar sa akin at takot uli ang nakita ko sa kanyang mga mata. Noong tinanong ko siya kung alam nya ang tirahan at telepono ng kanyang amo dahil kailangan ito sa mga detalye ng papel na aming nilalagdaan, iling lang ang kanyang itinugon. Nang kami ay matapos, abot-langit ang pasasalamat na pinahayag nya sa akin at iyon na ang huli naming pag-uusapan. Ilang kababaihan din ang humingi ng tulong sa akin sa araw na iyon ngunit hindi ko inakala na halos pare-pareho sila ng sitwasyon noong babae na taga South Cotabato. Halos lahat sila ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral at pare-parehong nangangamuhan sa bansang ito.

Lumipas ang ilang araw habang ako ay nanonood ng isang lokal na edisyon ng balitang Pilipino sa aming tahanan, ikinagulat ko na marinig na lumagpas na sa isang libo ang bilang ng mga kabayayan nating tumakas mula sa kanilang malulupit na amo. Naisip ko tuloy yung mga natulungan ko noong ako ay nasa Embahada. Kabilang kaya ang mga iyon sa napabalita sa telebisyon? Hindi naman sana.