Sunday, January 15, 2012

Sa Embahada ng Pilipinas: Kalokohan?

Bawat ahensya ay may mga pamantayan na sinusunod upang maging pulido ang isang trabaho. Ang Embahada ay iniluklok upang pagsilbihan ang mga manggagawang Pilipino na nagpapakahirap kumita ng pera sa isang banyagang lugar, ngunit ang mga alituntuning ito ay nagagampanan ba ng maayos?

Maraming kwento na akong naririnig tungkol sa mga pamantayang ipinapatupad na imbes makatulong ay nakakadagdag pa sa problema ng mga tao. Noong isang araw lamang, ako ay may ipinasa na dokumento na kinakailangan ng papel na magpapatunay na ito ay totoo. Kumpleto ito sa proseso magmula ng inilakad ito sa Pilipinas at iyong sa Embahada na lamang ang kulang. Ngunit laking gulat ko ng sabihan pa ako na kailangan ko maghintay ng 15 araw para sa beripikasyon kung ang dokumentong hawak ko na dumaan na sa iba't-ibang ahensya sa Pilipinas ay tunay. Sa totoo lang, ako ay natawa hindi dahil sa galak kundi sa inis. Dahil meron akong hinahabol na oras, hindi ko inaasahan na maaantala pa ang aking plano dahil sa wala sa katwiran na alituntunin. Ang dokumentong hawak ko ay nagpapatunayan na ako ay nagtapos ng Haiskul na inaprubahan pa mula sa eskwelahang aking pinagtapusan hanggang sa ito ay tanggapin ng DFA sa Maynila, kasama ng mga orihinal at pirmadong dokumento na nanggaling pa sa DepEd. Kahit ito ay ipinakita ko na bilang katibayan, nagmukha lamang akong tanga dahil sa walang kwentang alituntunin na pinapatupad nila. Maiintindihan ko pa sana ang kanilang rason kung hindi pa ako tapos mag pa beripika at mag patunay ng mga dokumento ko sa Kolehiyo. Ngunit kahit itong mga papeles ko sa Kolehiyo na sila na mismo ang nagpatunay na totoo ay hindi nila ginawang basehan para sa wala sa katwiran nilang alituntunin.

Ang tanong lamang naman ay ganito: makakapag tapos ba ako sa isa sa kilalang Unibersidad sa Pilipinas at makakapag trabaho sa Gobyerno kung hindi ako nakapagtapos ng Haiskul? Hindi ba't ang naganap ay isang malaking kalokohan? Kaya nga sila nandito sa Kuwait, bilang empleyado ng Gobyerno ng Pilipinas, ay mapagsilbihan at matulungan ang mga nagpapakahirap sa bansang ito hindi iyong sila mismo pa ang nakikidagdag sa paghihirap ng mga kababayan natin.

2 comments:

  1. Sana binalik mo tanong. E nagtapos ba sila ng hayskul? Haha!

    ReplyDelete
  2. Lahat na yata ng rason na alam ko eh nasabi ko na. Ang gusto ko lang naman ay konsiderasyon pero hindi nila ibinigay yun. Nakakainis lang talaga dahil sa mismo nating Embahada ay walang hustisya, paano pa kung makaranas ka ng hindi magandang pagtrato sa labas? Kawawang mga Pilipino.

    ReplyDelete